Pag-aaralan na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang posibilidad na tapyasan ang kontribusyon ng mga PhilHealth members.
Sinabi ito ni PhilHealth President and CEO Emmanuel Ledesma sa naging pagdinig ng senate committee on health ngayong araw.
Sa naturang pagdinig, napag-alaman na mayroong P500 billion na reserve fund ang PhilHealth para pantustos sa benepisyo ng lahat ng mga miyembro nito gayundin sa ilan pang dagdag benepisyo na inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang SONA.
Ayon kay Ledesma, agad nilang pag-aaralan ang pagbawas sa premium contribution ng mga miyembro.
Iko-convene na aniya ng opisyal ang kanilang buong team para pag-usapan ito nang sa gayon ay mairekomenda na kay Pangulong Marcos.
Pagkatapos aniya ng pagdinig ay agad silang magpupulong para talakayin at mairekomenda ito kay Pangulong Marcos.
Sinabi naman ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go na magiging malaking ginhawa para sa mga miyembro ng PhilHealth kung mapapababa ang kanilang kontribusyon.| ulat ni Nimfa Asuncion