Papalo sa halos P44-M ang halaga ng nasabat na uncertified appliances ng Department of Trade and Industry sa warehouse ng Grand Philippines Smart Appliances Corp. sa Plaridel, Bulacan.
Ayon sa pahayag ng DTI, pinanganuhan ang nasabing operasyon ng DTI task force kalasag kung saan nakumpiska ng grupo ang nasa 24, 771 na units ng ibat ibang klaseng mga appliances.
Paliwanag ng DTI ang mga naturang kasangkapan sa bahay ay pawang mga hindi sumunod sa at may paglabag sa Republic Act (RA) No. 4109 o ang Product Standards Law, gayundin sa Department Administrative Order (DAO) No. 02: 2007 dahil sa kakulangan ng Philippine Standard (PS) Marks at Import Commodity Clearance (ICC) Stickers na isa sa requirement ng Bureau of the Philippine Standards (BPS) ng DTI.
Ilan sa mga nakumpiskang kagamitan ay ang electric fans, television sets, electric rice cookers, electric multi-cookers, electric kettles, air conditioners, self-ballasted LED lamps, at mga extension cord sets. | ulat ni Lorenz Tanjoco