Nagsimula kahapon ang pinakahuling Maritime Cooperative Activity (MCA) sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at US Navy sa West Philippine Sea.
Ang aktibidad na isinagawa sa kanlurang karagatan ng Palawan sa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa ay nilahukan ng USS Mobile (LCS 26) ng US Navy at BRP Ramon Alcaraz (PS16).
Dinisenyo ang ehersisyo upang mapahusay ang komunikasyon at koordinasyon ng dalawang pwersa sa pamamagitan ng mga pagsasanay na kinabibilangan ng: communications check exercise, division tactics, officer of the watch maneuver exercise, photographic exercise, at cross deck exercise.
Layon nito na mapahusay ang interoperability at kahandaan ng dalawang pwersa para masiguro ang maritime security and stablity sa rehiyon.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang maritime exercises sa pagitan ng Pilipinas at US ay patunay ng malakas na ugnayang pandepensa ng dalawang bansa, at nagkakaisang commitment na itaguyod ang Freedom of Navigation at rules-based order sa Indo-Pacific Region. | ulat ni Leo Sarne
📸: AFP