Phil. Navy, rumesponde sa lumubog na Vietnamese fishing vessel sa West Philippine Sea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Rumesponde ang BRP Ramon Alcaraz (PS 16) ng Naval Forces West sa natanggap na impormasyon tungkol sa lumubog na Vietnamese fishing vessel sa Quirino(Jackson) Atoll, isang tradisyonal na fishing ground ng mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea noong Martes.

Ayon PS16 Commanding Officer, LCdr. Christofer Neil Calvo, dumating ang kanilang rescue team sa lugar isang oras matapos matanggap ang impormasyon, pero wala nang sakay ang bahagyang nakalutang na Vietnamese fishing vessel na may Bow Nr. Q. Ng 96554 TS nang matagpuan nila ito.

Namataan naman ng PS16 sa layong 4.6 na nautical miles mula sa lugar ang isa pang Vietnamese fishing vessel na kinalaunan ay napag-alaman na siyang sumagip sa mga sakay ng lumubog na bapor.

Ayon kay Naval Public Affairs Director Commander John Percie Alcos, ang agarang pagresponde ng Philippine Navy sa mga Vietnamese fishermen ay pagpapakita ng magandang relasyon ng Pilipinas at Vietnam.

Tiniyak ni Alcos na laging handa ang Philippine Navy na rumesponde sa mga Pilipino at dayuhang mangingisda na nangangailangan ng tulong sa karagatan.  | ulat ni Leo Sarne

📸: Philippine Navy

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us