Inflation rate ngayong Hulyo, papalo sa pagitan ng 4.0 to 4.8 percent — BSP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahang papalo ang inflation rate ngayong buwan ng Hulyo sa pagitan ng 4.0 to 4.8 pecent ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Mas mataas sa naitang 3.7 percent noong nakaraang Hunyo  dahil sa mataas na presyo ng kuryente at presyo ng ilang agricultural commodities  gaya ng gulay, prutas,  at domestic oil prices.

Ito na ang pinakamataas sa loob ng walong buwan na pumalo ang inflation sa 3.9 percent noong December 2023.

Ayon sa BSP ang mataas na presyo ng ilang bilihin ay offset sa mas mababang presyo ng bigas, at malakas na piso kontra dolyar.

Nangako naman ang BSP na patuloy nilang babantayan ang mga factors na nakaapekto sa outlook for inflation ang growth alinsunod sa datos na siyang basehan naman ng monetary policy formulation.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us