Kwinestyon ng House Committee on Legislative Franchise ang National Grid Corporation (NGCP) sa mabagal na aksyon upang maitayo ang mga power lines sa bansa.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng komite sa kahandaan ng power utilities sa La Niña phenomenon, sinita ni House Pane Chair at Parañaque Representative Gus Tambunting ang delays sa konstruksyon ng national power line.
Ang usapin ay mula sa inihaing House Resolution 895 ukol sa “unfinished and pending national power line construction” na umabot ng lima hanggang anim na taon.
Paliwanag naman ni Department of Energy (DOE) Undersecretary Sharon Garin, isa sa pinakarason ng delay ay ang kasalukuyang kolaborasyon ng DOE, NGCP, Department of Justice, Supreme Court, at lokal government units kaugnay sa ilang “expropriation problems” sa transmission line.
Sinabi naman ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang problema ay nanatili pa rin na “right of way” at ang proseso ng pagkuha ng permits.
Sa panig naman ni Chair Tambunting, tila naging paraan na lamang na excuse ng NGCP ang “right of way” upang hindi makumpleto ang transmission lines habang sa pribadong sector ay kayang tapusin ito sa gitna ng parehas na suliranin. | ulat ni Kathleen Jean Forbes