Nagpatupad ng taas-singil sa kanilang Liquified Petroleum Gas (LPG) ang mga kumpanya ng langis ngayong unang araw ng Agosto.
Kagabi, nagpaabiso ang kumpanyang Solane ng ₱0.27 na umento sa kada kilo ng kanilang LPG epektibo alas-6 ngayong umaga.
Una nang nag-anunsyo ang kumpaniyang Petron ng ₱0.30 kada kilong umento sa kanilang LPG na epektibo kaninang alas-12:01 ng madaling araw.
Katumbas ito ng ₱2.97 sa bawat 11 kilogram na tangke ng LPG ng Solane, habang nasa ₱3.3 naman sa Petron.
Ayon sa mga oil company, ang pagtaas ng contract price ng LPG sa world market ang dahilan ng ipinatupad na umento sa kanilang mga produkto. | ulat ni Jaymark Dagala