Iginiiit ng Department of Transportation (DOTr) na tanging si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang makapipigil sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernzation Program.
Ito’y makaraang lumagda ang may 22 senador sa isang resolusyon na humihikayat sa pamahalaan na pansamantalang suspendehin ang naturang programa.
Sa isang panayam, sinabi ni Transportation Undersecretary for Road Safety, Jesus Ferdinand Ortega na sapat naman na ang mga pag-uusap at konsultasyon sa sektor ng transportasyon hinggil dito.
Katunayan aniya, mismong ang mayorya ng mga transport group ang nagpahayag ng suporta hinggil dito na kumakatawan sa mahigit 80 porsyento ng mga nasa sektor.
Kaya naman nanindigan ang DOTr na magpapatuloy ang programa hangga’t walang kautusan si Pangulong Marcos na itigil ito. | ulat ni Jaymark Dagala