84% ng mga katanungan at suliraning idinulog sa Oplan Balik Eskuwela Public Assistance Command Center, agad na natugunan — DepEd

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagmalaki ng Department of Education (DepEd) na kanilang naresolba ang nasa 84 na porsyento mula sa mahigit 1,000 mga katanungan at suliraning idinulog sa kanilang Oplan Balik Eskuwela Public Assistance Command Center.

Ayon sa DepEd, ito’y kasunod na rin ng pormal na pagsisimula ng School Year 2024-2025 nito lamang July 29 ng taong kasalukuyan.

Ayon sa kagawaran, nakatanggap ang kanilang Command Center ng nasa kabuuang 1,794 na mga tawag mula sa mga magulang na may kaugnayan sa enrollment gayundin ang hinggil sa mga panuntunan at operasyon ng mga paaralan.

Gayunman, sinabi ng DepEd na ang mga isinangguni sa kanila ay agad na natugunan habang ang nasa 16 na porsyento rito ay kasalukuyang inaaksyunan ng mga kaukulang tanggapan nito.

Kahapon, personal na binisita ni Education Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara ang naturang Command Center sa Central Office nito sa Pasig City para alamin ang mga idinudulog sa kanilang tanggapan.

Magpapatuloy ang operasyon ng Command Center ng DepEd sa kanilang Central Office gayundin sa mga tanggapan nito sa iba’t ibang rehiyon hanggang bukas, August 2. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us