Pagbaba ng presyo ng imported na bigas bunsod ng EO62, tuloy-tuloy ngayong Agosto — DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nararamdaman na sa ilang pamilihan ang pagbaba ng presyo ng bigas bunsod ng pagpapatupad ng Executive Order No. 62 ang tapyas sa taripa ng imported rice.

Sa tala ng Bantay Presyo, ang dating umaabot sa ₱51 na imported regular milled rice ay bumaba na sa ₱47 hanggang ₱48 ang kada kilo, habang ang ₱55 naman noong imported na well milled rice ay nasa ₱51-₱53 na lang ang kada kilo ngayon.

Batay naman sa datos ng BPI, mayroon nang 56,000 MT ng imported na bigas ang pumasok sa bansa mula nang naging epektibo ang EO62.

Ayon naman kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, inaasahang mas lalaki pa ang volume nito sa mga susunod na buwan at mas lalaki pa ang tapyas sa presyo ng imported rice.

Kaugnay nito, umaasa naman ang DA na mahahatak din ang presyo ng lokal na bigas sa mga programa nitong nag-aalok ng mas murang opsyon sa mamimili gaya ng ₱29 at ang ilulunsad ngayong araw na ‘Rice for All’ program kung saan ibebenta sa ₱45 ang kada kilo ng well milled rice. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us