Oil spill sa Bataan, pinasisiyasat

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghain ng resolusyon si House Committee on Ecology Chairperson at Biñan City Representative Marlyn Alonte para maimbestigahan ang nangyaring oil spill sa Bataan.

Sa kaniyang House Resolution 1818, pinapasilip ang pagkalat ng langis mula sa MT Terra Nova at MTKR Jason Bradley na lumubog sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Carina.

Nais matukoy ni Alonte ang mga panuntunan at konsiderasyon sa pagdedesisyon bago pahintulutan o pagbawalan ng Philippine Coast Guard ang isang fuel tanker na maglayag lalo na kapag may sama ng panahon.

Aalamin din ang response procedures ng Coast Guard at iba pang government entities sa oil spill.

Sa pahayag kasi aniya ng PCG ay aabutin lamang ng isang linggo ang pagsipsip ng tumagas na langis mula sa lumubog na tanker.

Ngunit kung matatandaan aniya ang nangyari sa MT Princess Empress, mabilis na kumalat ang tumagas na langis at inabot ng ilang buwan ang paglilinis nito.

Kabilang sa mga apektadong lugar ngayon ang Bataan, Pampanga, at Cavite.

Sa Cavite, walong lugar na ang isinailalim sa State of Calamity dahil sa oil spill. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

📸: PCG

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us