Agad na ipinamamagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga donasyong hatid ng UAE govt para sa mga biktima ng pananalasa ng Bagyong Carina at Habagat.
Sa bisa ito ng utos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian upang agad na matanggap ng mga apektadong local government units ang humanitarian aid.
Kabilang sa unang hinatiran ng donasyon ang ilang LGUs sa Metro Manila at Central Luzon na labis na tinamaan ng kalamidad.
Aabot sa 832 kahon ng food items ang natanggap ng Marikina LGU, 384 food boxes sa Navotas habang tig-416 food boxes naman sa mga lalawigan ng Bulacan, Bataan at Pampanga.
Sa kabuuan, nasa 80 tonelada ng ibat ibang relief goods ang idinonate ng UAE para sa mga apektado ng Bagyong Carina at Habagat.
Kabilang dito ang mga lata at pakete ng pasta, wheat flour, basmati rice, red lentils, dates, chickpeas, powdered juice, tomato paste, sugar, salt, at sweet corn.
Samantala, as of Aug. 1, sumampa naman na sa P276-M ang humanitarian assistance na naipaabot ng DSWD sa mga pamilyang apektado ng kalamidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa