Masayang iiwan ni outgoing Trade Sec. Alfredo Pascual ang Department of Trade and Industry dahil sa kanyang mga nagawa para dito at sa bansa.
Paliwanag ni Pascual, maraming investment ang kanilang nakuha mula sa iba’t ibang bansa na kanyang nakausap.
Kontento din aniya siya sa proteksyon na kanyang ginawa para sa mga konsumers, partikular ang kanyang binuo na task force kalasag kung saan ummabot na sa milyong milyong uncertified appliances ang kanilang nakumpiska.
Matatandaang si Pascual ay nagbitiw sa pwesto kahapon na tinanggap naman ng Pangulo.
Bukas naman, Biyernes ang huling araw ng kalihim sa pwesto at sinabing niyang magkaroon ng mas maraming panahon sa kanyang pamilya. | ulat ni Lorenz Tanjoco