Inatasan ni House Committee on Agriculture and Food ang committee secretary na bumuo ng substitute bill sa House Bill 3247 at 7045, na naglalayong magtatag ng pambansang programa para sa pag-unlad ng industriya ng malunggay.
Sa ginawang pagdinig ng komite sa House Bills, sinabi ni House Panel Chair at Quezon Representative Wilfredo Mark Enverga na ang pambansang programa ay maaaring maging source of livelihood for poverty alleviation, health nutrition at i-improve ang competency at efficiency ng malunggay business.
Layon ng House Bill 3247 na iniakda ni AAMBIS OWA Party-list Representative Lex Anthony Colada na magtatag ng Malunggay Development Industry Committee o MDIC na pamumunuan ng kalihim ng Department of Agriculture (DA).
Samantala, ang House Bill 7045 na iniakda ni Cavite Rep. Aniela Bianca Tolentino ay naglalayong magkaroon ng komprehensibong pagpaplano, development at export promotion ng moringa o malunggay.
Sinabi ni Dr. Richard Nixon Gomez, General Manager ng Baurtek Farmaceutical Techologies, na ang malunggay industry ay may napakalawak na potensyal dahil sa nutritional, medical, agricultural at economic benefits. | ulat ni Melany Valdoz Reyes