P1.537-T na nakapaloob sa 2025 budget, popondohan ng loans ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Manggagaling sa mga gagawing loan ng Pilipinas ang P1.537 trillion na bubuo sa P6.532 trillion na 2025 National Budget.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Budget Usec. Joselito Basilio na P4.6 trillion ang manggagaling sa revenue o koleksyon ng pamahalaan.

Kabilang dito ang buwis na magmumula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC).

“Breakdown into P3.2 trillion from the BIR, BOC – first time even in history na lalagpas na siya sa P1 trillion level – so P1.064 trillion ang program ng Customs collections for next year.” — Usec Basilio.

Nasa P210.8 billion naman ang kukunin sa non-tax revenues, at P101 billion mula sa kita ng privatization proceeds.

Ang natitirang P1.537 trillion ay katumbas ng 5.3% ng projected gross domestic product (GDP) para sa 2025.

Pagsisiguro ng opisyal, pasok ito sa medium term fiscal program ng economic managers.

“This is around 5.3% of the projected GDP for next year, 2025, right in line with the medium-term fiscal program as revised by our economic managers.” — Usec Basilio. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us