LGUs ng Metro Manila Council, bubuo ng Task Force para tumugon sa kampaniya na labanan ang epekto ng El Niño

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bubuo ng kani-kanilang Task Force ang iba’t ibang Lokal na Pamahalaan na miyembro ng Metro Manila Council para labanan ang epektong dulot ng El Niño phenomenon.

Ito ang napagkasunduan sa isinagawang pagpupulong kanina ng mga Alkalde sa Metro Manila alinsunod na rin sa atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa katunayan, sinabi ni Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora, ititigil nila sa San Juan ang tradisyunal na basaan sa pagsapit ng kapistahan ng kanilang patron sa Hunyo 24.

Sinabi ng Alkalde na sa halip, kanilang ibabalik ang Pagbabasbas 2023 na siyang kanilang naging hakbang noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Paliwanag ni Zamora, sa pamamagitan nito ay makatutulong na makatipid sa tubig bilang tugon sa paglaban sa matinding tag-tuyot.

Dahil dito, suspendido muna ang pagsasaboy ng tubig ng kanilang firetruck sa taunang Watta-watta festival ngunit magpapatuloy ang iba pang mga aktibidad na hindi gagamitan ng tubig. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us