Ibinahagi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kailangang gawing ‘holistic’ ang pagtugon sa baha.
Ayon kay Bonoan, sinabihan sila ni Pangulong Marcos Jr. na dapat lahat ay susunod sa iisang direksyon pagdating sa flood control management program.
Partikular rdn aniyang inutos ng Punong Ehekutibo na pigilan ang pag-agos ng tubig mula sa mga water shed at pagsamahin ang mga local flood control sa water impounding facilities.
Una rito, inamin ni Bonoan sa pagdinig ng Senado na hanggang ngayon ay wala pang integrated masterplan para solusyunan ang mga pagbaha.
Mula aniya nang pumasok sila noong July 2022, ang meron pa lang ay masterplan para sa 18 major river basins ng Pilipinas at ina-update pa nila ito. | ulat ni Nimfa Asuncion