Hiniling ngayon ni House Committee on Public Order and Safety Chair Dan Fernandez ang tulong ng mga lokal na pamahalaan para mapasara ang nasa 402 na iligal na POGO establishments.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Kamara ukol sa POGO-related crimes, binigyan ni Fernandez ang League of Cities of the Philippines at League of Municipalities of the Philippines ng kopya ng listahan ng higit 400 iligal na POGO.
Kasama sa listahan ang lokasyon at address ng naturang mga iligal na POGO pati ang kanilang operators at incorporators.
“Let us help the PNP (Philippine National Police) close down these POGOs,” sabi ni Fernandez.
Nanawagan naman si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa mismong empleyado ng naturang mga iligal na POGO na personal na sumuko sa mga awtoridad partikular ang Bureau of Immigration para mapabilis ang kanilang repatriation.
“Based on our ongoing probe on POGOs and illegal drugs involving Chinese nationals, we all know that a number of them, who have pending criminal cases from their countries of origin, are still in the country and would rather stay and hide here than face the risk of being deported and punished at home,” sabi ni Barbers.
Hinikayat din ng mambabatas ang publiko na i-report sa kanilang mga LGU, immigration at law enforcement kung may presensya ng mga underground POGO sa kanilang lugar. | ulat ni Kathleen Jean Forbes