Lumapit si OFW Party-list Representative Marissa “Del Mar” Magsino kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na repasuhin ang guidelines ng AKYSON FUND.
Ito ay kasunod ng pagkikipagpulong ng mambabatas sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa Middle East at Asya.
Kaniyang nalaman na nagiging problema sa mga OFW sa pagkuha ng exit visa para makauwi ng Pilipinas ang pagkakaroon ng malaking utang.
Katunayan mayroon aniya tayong mga kababayang OFW sa Saudi Arabia na pumanaw na ngunit hindi maiuwi ang labi dahil sa hindi pa nababayarang utang.
“I personally heard their pleas to help them. I researched and found that we can help them through the DMW’s AKSYON Fund. These OFWs are forced to fend for themselves in various shelters and elsewhere, suffering from their afflictions and dismal living conditions, and on the run from local authorities, uncertain as to when their ordeal would end. We want to help them through the AKSYON Fund if their circumstances fall under certain conditions only.”, sabi ni Magsino.
Dahil dito, hiniling ni Magsino sa kalihim na maisama ang pagbabayad sa utang ng OFW para makakuha ito ng exit visa, sa mga maaaring pag gamitan ng AKSYON Fund.
Sa kasalukuyan kasi sa illaim ng Republic Acr 11641, maaari lamang gamitin ang AKSYON Fund para sa legal, medical, financial, at iba pang tulong para sa OFW kasama ang repatriation, shipment ng remains, evacuation, rescue at iba pang intervention, para sa karapatan at kapakanan ng Filipino nationals na nasa ibang bansa.
Bukas naman aniya si Cacdac sa kaniyang mungakahi at nangako na aaralin ang pagbabago sa naturang polisiya.
“Nakausap natin si Secretary Cacdac at nagsabi siyang bukas siya sa ating proposal pati sa pagkonsidera sa pagtaas ng halaga ng mga financial assistance. Natutuwa tayo na bukas ang pagtanggap ni Secretary Cacdac sa ating policy proposal dahil marami itong matutulungan.” giit ni Magsino | ulat ni Kathleen Forbes