Pinalawak ng Tingog Party-list ang relief operations sa 13 barangay sa Novaliches sa Quezon City ngayong araw.
Ang malakihang humanitarian efforts ay naglalayong magbigay ng agarang tulong sa 2,000 libong pamilya na lubhang naapektuhan ng nagdaang super typhoon Carina na nagdulot ng pagbaha sa maraming lugar.
Sakop ng relief operations ang mga barangay ng Lagro, North Fairview, Kaligayan, Pasong Puti, Sta Monica, Nova Proper, San Agustin, Fairview, Sta Lucia, Nagkaisang Nayon, Capri at bagbag.
Nagpasalamat naman si Partylist Rep. Yedda Marie Romualdez sa mga boluntaryo na nagsusumikap upang makatulong sa mga pamilya.
Sa ngayon, patuloy ang Tingog Party-list sa mga humanitarian intiative katulong ang Office of the Speaker at iba pang gobyerno at pribadong sector upang maabot ang mga biktima. | ulat ni Melany Valdoz Reyes