Nananatiling matumal ang bentahan ng isda sa Agora Public Market sa San Juan City.
Ayon sa mga nagtitinda, ito’y dahil sa apektado ng nagdaang bagyong Carina at habagat, gayundin ng nangyaring oil spill sa Bataan.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, tumaas ng ₱10 ang presyo ng kada kilo ng galunggong na nasa ₱240 ang kada kilo, bangus ay naglalaro sa ₱190 hanggang ₱200 ang kada kilo depende sa laki, at tilapia na nasa ₱120 ang kada kilo.
Nananatili ring mataas ang presyo ng gulay gaya ng kamatis na nasa ₱200 ang kada kilo, luya na nasa ₱250, bawang na nasa ₱160, at sibuyas na nasa ₱120 ang kada kilo.
Ang carrots ay nasa ₱160 kada kilo, ampalaya ay nasa ₱120 kada kilo, talong ay nasa ₱130 kada kilo, patatas ay nasa ₱100 kada kilo, habang ang repolyo at pechay Baguio ay kapwa nasa ₱60 kada kilo.
Wala namang paggalaw sa presyo ng manok na nasa ₱220 hanggang ₱230 ang kada kilo, baboy na nasa ₱320 hanggang ₱380 ang kada kilo, at baka na nasa ₱430 ang kada kilo. | ulat ni Jaymark Dagala