Ruling ng SC sa pagtatalaga sa FDA bilang regulator ng tobacco products, ikinagalak ni Sen. Pia Cayetano

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome kay Senador Pia Cayetano ang ibinabang desisyon ng Korte Suprema na ang Food and Drug Adminstration (FDA) ang pangunahing regulatory body para sa lahat ng tobacco products.

Kaugnay nito, pinunto ni Cayetano na mali ang isang probisyon sa Vape Law (RA 11900) kung saan nakasaad na ang Department of Trade and Industry (DTI) ang may responsibilidad sa pag-regulate ng mga vape at iba pang heated tobacco products.

Giit ng senador, dahil dito ay mas lalong tumaas ang bilang ng mga gumagamit ng vape at e-cigarettes, lalo na ang mga kabataan.

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit nakatanggap ang Pilipinas ng Dirty Ashtray Award nitong Pebrero, paksang tinatalakay naman ng pinamumunuan niyang Senate Blue Ribbon Committee.

Kaugnay nito, sinabi ni Cayetano na plano niyang isama sa magiging report ng Blue Ribbon Committee ang rekomendasyon na magpasa ng batas na tutulong sa pag-regulate ng maayos sa mga tobacco products at haharang sa mga nagla-lobby para sa industriya na madiktahan ang ating mga polisiya.

At hiningi nito ang suporta ng mga kapwa senador sa magiging rekomendasyon niyang ito. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us