Daluyan ng tubig ulan palabas ng Manila Bay, kailangan ng Valenzuela City para maiwasan bahain

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kailangan na ng Valenzuela ng isang daluyan ng tubig na diretso sa Manila Bay.

Ito ang tinuran ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Don Artes sa ginawang pagtalakay ng House Committee on Metro Manila Development hinggil sa malawakang pagbaha sa Metro Manila dahil sa habagat at bagyong Carina.

Nausisa kasi ni Valenzuela Representative Eric Martinez kung bakit napakalala ang baha sa kanilang lungsod na hindi naman nangyari noong mga nakaraang pag-ulan.

Paliwanag ni Artes, nakaapekto ang malaking bulto ng tubig na bumagsak sa Tullahan River dahil sa umapaw na mga dam na sinabayan pa ng high tide sa Manila Bay.

Kaya naman ang solusyon upang hindi na ito maulit ay magkaroon ng daluyan ng tubig papalabas ng Manila Bay.

Dagdag pa niya na nagkaroon na ng ganitong plano noon ngunit hindi natuloy.

Hindi kasi aniya pumayag ang Bulacan na idaan sa kanilang lalawigan ang water outlet.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us