Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, patunay na  nagagamit ng tama ang pondo para sa social welfare programs

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsisilbing patunay na tamang nagagamit ang pondo para sa mga programa ng pamahalaan ang matagumpay na implementasyon ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.

Ayon kay Deputy Speaker David Suarez, nasaksihan nila mismo na ang pondo na kanilang inaprubahan noong nakaraang taon ay napupunta at napapakinabangan ng mga Pilipino.

“Come the budget hearings, we can actually say yes, the budget and the funds were used properly and effectively, and the BPSF was one proper conduit that the funds benefitted the less fortunate na mga kababayan natin,” sabi ni Suarez.

Para naman kay Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers, kapuri-puri ang inisyatiba ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ibaba ang serbisyo ng gobyerno sa taumbayan.

Naiparamdam kasi sa mga nangangailangan, lalo na ang mga nasa laylayan, na mayroong gobyernong tumitingin at nagmamahal sa kanila.

Ngayong araw gaganapin ang ika-21 BPSF sa Tacloban Leyte na may dalang ₱1.2-billion na halaga ng serbisyo at ayuda.

Giit pa ni BPSF National Secretariat Lead Safonias Gabonada Jr. na sa BPSF, ang taumbayan ang panalo.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us