1,698 illegal POGO workers, deported na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na humahanap ng iba pang paraan ang pamahalaan upang pabilisin ang epektibong pagpapatupad ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagpapasara sa lahat ng POGO operations sa bansa, at pagpapaalis ng mga POGO workers sa Pilipinas.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Spokesperson Winston Casio na mayroon silang pulong sa Malacañang, ngayong hapon, para dito.

Kung mayroon aniya silang nakikitang hamon sa isyung ito, ito ay ang pagpapauwi ng mga illegal POGO workers na hindi naman nakarehistro.

Dahil dito, mahigpit na aniya ang pakikipag-ugnayan nila sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, tulad ng Department of the Interior and Local Government (DILG), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), at Bureau of Immigration (BI), upang matunton at ma-deport ang mga ito.

Kung hindi man aniya 100% na mapaaalis ang mga ito, malaking bilang naman ng illegal POGO workers ang made-deport ng pamahalaan.

Sabi ng opisyal, tinatayang nasa 20,000 foreign workers ang legal na nagta-trabaho sa POGO operations sa bansa. Magiging madali lamang aniya ang pagpapauwi sa mga ito.

“So, we’re fairly confident na itong mga LGUs natin, they will step up and be able to do their part also in ridding the country dito sa mga iligal na mga POGOs na ito. In fact, nababasa ko sa diyaryo ay sunod-sunod na rin naman ang pag-iikot ng mga LGUs. Nakita ko sa Mandaue, sa Cebu. Nakita ko dito sa Pampanga, sunod-sunod iyong kanilang pag-iikot. So, kumpiyansa po tayo na masusunod natin iyong direktiba ng Presidente,” pahayag ni Casio.

As of May, 2023, nasa 1,698 POGO workers na ang na-deport ng Pilipinas. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us