Pamahalaan, nakabantay sa mga bagsakan ng isda, upang masiguro na di maibebenta ang mga ito mula sa mga lugar na apektado ng oil spill

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng pamahalaan sa mga landings o bagsakan sa mga huling isda, na malapit sa mga lugar na apektado ng oil spill sa Limay, Bataan, dahil sa paglubog ng Fuel Tanker na MT Terranova.

Kabilang na ang Navotas.

Kung matatandaan, nakitaan na ng traces ng oil spill sa coastline ng Manila Bay at Cavite. 

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa na tuloy-tuloy rin ang ginagawa nilang sensory testing at evaluation sa mga huling isda sa kalapit na lugar, upang masiguro na hindi kontaminado ng langis ang mga ito.

“Makapangisda sila medyo malayo dito sa oil spill dahil alam nating ipinagbawal na dahil doon sa huling sample dito sa bandang Noveleta at Rosario, nakakita ng traces nitong petrochemical. Pero doon sa katabing bayan ng Naic at iba pang bayan ay medyo negative naman. Pero as a precautionary measure ay ipinagbawal nang tuluyan ng BFAR iyong pagkain ng mga isda, lalo na iyong mga shellfish dito sa mga lugar na nabanggit,” ani Asec. De Mesa.

Kailangan aniyang bantayan ang mga lamang-dagat, lalo na ang mga shell fish, lalo’t maaaring mauwi sa food poisoning sakaling makakonsumo ang isang indibidwal ng isda na kontaminado ng langis.

“Ang problema kasi rito ay iyong PAH na tinatawag o iyong Polycyclic Aromatic Hydrocarbons galing sa mga petrochemicals. So, lalo na iyong mga shellfish natin, iyong tahong, talaba, itong mud crab, blue crab at saka iyong mga clams, medyo ito iyong ipinagbabawal ng BFAR ngayon; iyong mga isda, dapat tanggalin iyong lamang-loob. But in general, sa mga lugar na ito, ipinagbabawal natin. Ang delikado kasi rito iyong food poisoning na puwedeng ma-experience ng ating mga kababayan. Kaya iyon ang naging abiso ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa mga lugar dito na nakakaranas ngayon ng oil spill,” dagdag pa ni De Mesa. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us