Pag-apruba ng Kamara sa Affordable Funeral Service Bill, welcome sa Cebuano solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome kay Cebu 5th District Representative Duke Frasco ang pag-apruba ng Kamara sa third and  final reading ng Affordable Funeral Service Act o House Bill 102.

Ayon kay Frasco, layon nitong maibsan ang hirap na dinaranas ng nagluluksang pamilya  partikular ang mga mahihirap.

Aniya, ito ay upang bigyan ng pagkakataon ang mga pamilya na mabigyan ng disenteng burol ang kanilang kapamilya na hindi na kailangan maglabas ng malaking halaga.

Kapag naisabatas ang panukala, bibigyan ng tig-₱20,000 ang mga  indigent at pinakamahihirap na pamilya para sa mortuary services, kabaong, at iba pang pangangailangan.

Aatasan din nito ang Department of Trade and Industry (DTI) na i-monitor at i-regulate ang presyo ng mga funeral services habang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) naman ang siyang mamamahagi ng financial assistance sa kwalipikadong beneficiary.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us