50-year master plan para sa drainage system sa Metro Manila, inihahanda na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinahagi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na hinahanda na ngayon ang 50-year master plan para sa pagsasaayos ng drainage system sa Metro Manila.

Sa naging pagdinig sa Senado tungkol sa naranasang malawakang pagbaha ng metro manila at mga kalapit na lugar, sinabi ni bonoan na ang proyektong ito ay popondohan ng World Bank.

Sa planong ito, ikokonsidera ang climate change at ang inaasahang magiging buhos ng ulan sa susunod na 50 taon.

Sa ngayon, ayon naman kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Romando Artes, ay hinihintay na lang na mapirmahan ang kontrata para sa loan agreement sa masterplan.

Nag-iimbentaryo na aniya sila ngayon ng mga drainage na pinagawa ng national at local governments bilang paghahanda sa pagbuo ng bagong master plan.   | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us