Pagpapatupad ng salary increase para sa mga empleyado ng gobyerno, ikinagalak ni Sen. Estrada

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang agarang aksyon ng Department of Budget and Management (DBM) sa pagtataas ng sweldo ng mga kawani ng gobyerno.

Ang pahayag ng senador ay kasunod ng anunsyon ng DBM na makakaasa ang mga empleyado ng pamahalaan ng two tranches ng salary increase na covered ang taong 2024 at 2025.

Naglaan na rin ang DBM ng ₱70-billion na pondo para dito sa ilalim ng panukalang 2025 National Budget.

Ayon kay Estrada, ang hakbang na ito ay nagpapakita ng commitment ng gobyerno na tiyakin ang kapakanan ng mga civil servants.

Aniya, hindi man kailangan nang aksyonan ng Senado ang inihain niyang Senate Bill 2611 (o ang panukalang Salary Standardizayion Law 6) na nagpapanukala ng 10% hanggang 46% na dagdag sa kasalukuyang take-home pay ng mga government employees, maisasakatuparan naman ang hangarin na maipatupad ito matapos mapaso noong nakaraang taon and Salary Standardization Law of 2019 (RA 11466).

Nagpasalamat ang senador sa Executive Branch sa pagtugon sa kanyang rekomendasyon na magpatupad ng salary increase at ipatupad ito retroactively.

Paraan aniya ito ng pagpapakita ng pagpapahalaga sa pagsisikap at dedikasyon ng mga taga-gobyerno at nakatutulong rin na makagawa ng mas patas at mas competitive na compensation system. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us