Monetary policy rate cut ngayong Agosto, posibleng ituloy pa rin — BSP Gov. Eli Remolona

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bagaman inaasahan ang posibleng mas mataas ang July Inflation sa target range ng economic managers, nagpahiwatig si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona Jr. na maaring tuloy pa rin umano ang planong policy rate cut ngayong buwan ng Agosto.

Sa panayam kay Remolona, sinabi nito na may posibilidad na sa August 15 ang pagbabawas ng 25-bps point sa interest habang isa pang 25 bps point sa huling bahagi ng taon.

Ginawa ni Remolona ang pahayag sa gitna ng  pagtaya na mas mataas na inflation rate sa pagitan ng 4% to 4.8% para sa buwan ng July, mas mataas ito sa 3%-4% inflation target ng Development Budget Coordination Committee (DBCC).

Kumpiyansa naman ang BSP chief na hindi maaapektuhan ng bagyong Carina ang July inflation rate dahilan kadalasan ang aggregate Consumer Price Index (CPI) basket ay nararamdaman sa mga susunod na buwan.

Umaasa si Remolona na ang mababang taripa sa imported na bagay at second quarter GDP ay magdudulot ng mas mabagal na inflation upang makatulong sa pagbaba ng monetary policy.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us