Ramdam ng mga negosyante ang hakbang ng Marcos Administration na padaliin ang proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas.
Sa palatuntunang Through The Lens na itinataguyod ng Presidential Communications Office, sinabi ni Monde Nissin CEO Henry Soesanto na isa sa dahilan ang naturang aksiyon ng Administrasyon upang mas makahikayat pa ng mamumuhunan sa bansa.
Epektibo Ani Soesanto ang ginagawang streamlining ng pamahalaan sa pagpo-proseso ng kanilang aplikasyon at makapag-operate ng kanilang business sa Pilipinas.
Kwento pa ni Soesanto na sa 45 taon niyang pamamalagi sa Bansa ay kauna-unahan din sa ilalim ng Marcos Administration na mag apply ng incentive.
Ang epekto aniya nito maging sa mga maliliit na negosyante, mas magiging competitive at may oportunidad pang mapasok Ang global competition. | ulat ni Alvin Baltazar