Sumalang sa lecture ang mga House Committee Secretariat ng Kamara upang muling talakayin ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Layon nitong maitama at gawing perpekto ang kanilang panunungkulan sa House of Representatives.
Kabilang sa mga tinalakay na usapin ang agarang pagresponde sa mga letter request sa komite, pagsusumite ng performance report, pagproseso ng mga dokumento, at gawin itong accessible sa publiko.
Naglahad din ng mga case scenarios upang linangin ang critical thinking at problem solving skills ng mga committee secretariat upang mabilis nilang matukoy ang mga hamon sa kanilang trabaho at maisakatuparan ang kanilang responsibilidad bilang kawani ng gobyerno.
Ibinahagi ng mga resource persons ang probisyon ng RA 6713 at mga ipinagbabawal ng batas gayundin ang mga incentives and rewards ng mga government employees. | ulat ni Melany Valdoz Reyes