Mga bagong delivery trucks at forklifts, tinanggap ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan nina Senador Joel Villanueva at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang turnover ceremony at inspeksyon ng 11 DSWD delivery trucks at heavy-duty forklifts sa DSWD National Resource Operations Center (NROC) sa Pasay City ngayong araw.

Ang naturang proyekto na nagkakahalaga ng ₱46.6-million ay pinondohan sa pamamagitan ng disaster response allocation ni Villanueva.

Ito na ang ikalawang batch ng equipment na binigay ng senador sa DSWD ngayong taon kasunod ng naunang turnover ng 14 mobile command vehicle.

Sinabi ng mambabatas na malaking tulong ang ganitong mga kagamitan para sa mas mabilis na serbiayo kapag may sakuna.

Tiniyak rin ni Villanueva na patuloy niyang isusulong ang paglalaan ng pondo para sa mga kagamitan para sa DSWD.

Nagpasalamat naman si Secretary Gatchalian sa mga bagong kagamitan na ito.

Pinaliwanag ng kalihim na malaking tulong ang mga deliver trucks na ito para mabilis na madala ang mga pangangailangan ng mga kababayan nating maaapektuhan ng anumang sakuna o kalamidad at mas magiging maagap ang pagresponde. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

📸: DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us