Pagkakalooban ng Philippine National Police (PNP) ng “libreng sakay” ang mga commuter na maaring ma-istranded sa kilos protesta ngayong araw ng mga grupong pabor sa PUV Modernization Program.
Ang protesta na binansagang “Unity Walk” ay bilang pagtutol sa resolusyon ng Senado na suspendihin ang pagpapatupad ng Public Transport Modernization Program.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, maliban sa kanilang regular security coverage sa gagawing unity walk, maglalabas din ang PNP ng mobile patrols at mobility assets kung kinakailangan.
Nakiusap naman ang PNP sa mga magsasagawa ng programa na huwag i-harass ang mga kapwa tsuper nilang hindi lalahok sa programa.
Samantala, may ilalagay din na border control at checkpoint ang PNP para matiyak na magiging mapayapa ang mga isasagawang pagkilos ngayong araw. | ulat ni Leo Sarne