Dahil sa walang patid na pag-ulan, sinuspinde na ng pamahalaang lungsod ng Malabon at Navotas ang pasok sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod.
Ayon kay Navotas Mayor John Rey Tiangco, alinsunod ito sa rekomendasyon ng Disaster Risk Reduction and Management Office.
Ikinababahala rin ng dalawang LGU ang 1.9 metrong high tide na inaasahan mamayang 11:22AM dahil sa habagat.
Matatandaang lumala ang pagbaha sa dalawang syudad noong kasagsagan ng bagyong Carina dahil sa nasirang navigational flood gate.
Ngayong araw rin sana ang balik-eskwela ng maraming estudyante sa Malabon matapos maapektuhan ng bagyong Carina at habagat. | ulat ni Merry Ann Bastasa