Bahagyang bumaba ang presyuhan ng pangunahing bilihin sa Marikina Public Market partikular na sa presyo ng isda.
Batay sa monitoring ng Radyo Pilipinas, ang galunggong ay nasa ₱190 ang kada kilo; bangus ay nasa ₱190 kada kilo habang ang tilapia ay nasa ₱110 ang kada kilo.
Nasa ₱220 naman ang presyo ng kada kilo ng manok; sa baboy naman, ₱320 ang kada kilo ng kasim habang nasa ₱380 ang presyo ng kada kilo ng liempo, at ang baka ay nasa ₱430 ang kada kilo.
Nasa ₱10 ang ibinaba sa presyo ng ilang gulay gaya ng kamatis na nasa ₱190 ang kada kilo, luya na nasa ₱240 ang kada kilo, bawang na nasa ₱170 ang kada kilo, habang ang sibuyas ay nasa ₱110 ang kada kilo.
Ang carrots ay nasa ₱150 ang kada kilo, ampalaya at talong ay kapwa nasa ₱120 ang kada kilo, habang ang repolyo at pechay Baguio ay kapwa nasa ₱60 kada kilo. | ulat ni Jaymark Dagala