Siniguro ni House Speaker Martin Romualdez na paglalaanan ng pondo ang pagpapatayo at pagsasa-ayos ng mga barracks ng mga sundalo.
Ginawa ng House leader ang pahayag kasunod ng kaniyang pagharap sa mga sundalo ng 11th Infantry Division ng Philippine Army sa Camp Teodulfo Bautista in Busbus Village, Jolo, Sulu noong Huwebes.
Sinabi ni Romualdez, titiyakin nila na maisasama sa 2025 National Budget ang pampondo para dito.
Kinilala at pinuri rin ng House Speaker, na honorary member ng PMA Sambisig class of 1991, ang pagdepensa ng ating kasundaluhan sa demokrasya at soberanya ng bansa mula sa panloob at panlabas na banta.
Kaya naman marapat lang na tutukan ang kanilang kapakanan at siguruhin may komportable silang housing quarters.
“They are the most important component of our national defense program. They are in charge of protecting the country from threats – internal or external – to promote and maintain peace,” ani House Speaker.
Dagdag pa niya na kung hindi dahil sa pagpapanatili nila ng kapayapaan ay hindi rin magkakaroon ng pag unlad.
“That is very evident in many parts of Mindanao, including Sulu, which have had to live with and resolve internal strife, and where economic progress is now happening,” giit niya.
Sa September 9 nakatakdang sumalang sa budget briefing ang Department of National Defense na siyang nakakasakop sa Philippine Army. | ulat ni Kathleen Jean Forbes