Malakas na buhos ng ulan, nagpabagal sa usad ng trapiko sa ilang kalsada sa QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagdulot ng pagbigat sa daloy ng trapiko sa ilang kalsada sa Quezon City ang malakas na buhos ng ulan ngayong umaga.

Kabilang dito ang kahabaan ng Quezon Avenue papasok ng Welcome Rotonda kung saan pinapadaan na muna sa mga alternatibong ruta ang mga motorista para makaiwas sa trapiko.

Sarado rin ang papasok ng España dahil sa ‘Unity Walk’ ng pro-modernization transport groups.

Una nang nagpalabas ng Thunderstorm Advisory ang PAGASA kung saan katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan ang inaasahan hindi lang sa Metro Manila, kundi sa Zambales, Rizal, Laguna, Quezon, Nueva Ecija, Tarlac, Bulacan, at Pampanga. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us