Eskwelusugan Caravan, muling aarangkada sa Valenzuela

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ngayong balik-eskwela na ang mga estudyante sa lungsod ng Valenzuela, muling ibinalik ng pamahalaang lungsod ang schools medical at dental vans nito o ang Eskwelasugan Caravan.

Ang health vans na ito ay mag-iikot sa lahat ng eskwelahan sa lungsod para suriin kung nasa maayos na kondisyon ang medical at dental health ng bawat estudyante sa Valenzuela.

Sa tulong nito, nais matiyak ng LGU na malusog ang mga estudyante at makakapag-aral ng mabuti.

Bukod dito, tuloy pa rin ang pamamahagi ng LGU ng libreng school kits at bagong uniform sets sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6.

Una na ring tiniyak ni Mayor Wes Gatchalian na ligtas at maayos na ang mga silid at pasilidad ng mga pampublikong paaralan sa lungsod, kasama ang nagsilbing evacuation centers noong pananalasa ng bagyong Carina. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us