Pagkapanalo ng 2 ginto ni Carlos Yulo sa Paris Olympics, itinuturing na makasaysayan ng Philippine Olympic Committee

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pagbati ang Philippine Olympic Committee sa pagkapanalo ng dalawang gintong medalya ni Carlos Yulo sa Paris 2024 Olympics.

Sa isang kalatas, sinabi ng POC na dahil sa pagkapanalong ito ni Yulo, naukit na ang pangalan nito sa kasaysayan.

Dahil din anila rito, maituturing nang nagsimula ang “Golden Chapter sa Philippine Gymnastics.”

Bukod kasi sa Men’s Floor Exercise, itinanghal ding kampeon din si Yulo sa Men’s Vault.

Dadag pa ng POC, hindi lang ginto ang nauwi ni Yulo kundi nagtakda rin siya ng mataas na pamantayan sa gymnastics sa bansa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us