Nasa tinatayang 50 mga stalls ng iba’t ibang panindang dekorasyon ang natupok sa sunog sa isang establisyimento sa Kanlaon Street, Barangay Santa Teresita, Quezon City.
Sa inisyal na ulat ng BFP-NCR, bigla nalang sumiklab ang apoy sa establisyimento kaninang magaalas diyes ng umaga at mabilis itong umakyat sa unang alarma.
Karamihan sa natupok ay mga samut saring pangdekorasyon gaya ng mga christmas decorations.
As of 11:40am, idineklarang fire out na ang sunog.
Wala namang nasaktan o nasugatan sa naturang sunog dahil agad na nakalabas ang kga tindera at costomers pero bumagsak ang buong gusali dahil sa tindi ng init ng apoy.
Patuloy ang imbestigasyon ng BFP sa nangyaring sunog at inaalam ang sanhi nito at halaga ng pinsala. | ulat ni Merry Ann Bastasa