Sumalang na sa budget briefing ang P6.352 trilion National Expenditure Program.
Sa kaniyang pambungad na mensahe, binigyang diin ni House Speaker Martin Romualdez na malinaw ang direksyon ng 2025 budget, at ito ay patuloy na palakasin ang ekonomiya ng bansa at tiyaking makikinabang ang lahat ng Pilipino sa pag-unlad na ito.
‘THE BUDGET IS THE BEST TOOL WE HAVE TO ENSURE THAT ALL OUR PEOPLE, ESPECIALLY THE POOR, FEEL THE TANGIBLE BENEFITS OF OUR ECONOMIC ACHIEVEMENTS. IT IS THROUGH THE CAREFUL AND STRATEGIC ALLOCATION OF RESOURCES THAT WE CAN ENSURE EVERY CITIZEN HAS A STAKE IN THE COUNTRY’S DEVELOPMENT. ..AANHIN NATIN ANG PAG-UNLAD KUNG HINDI NAMAN MAKIKINABANG ANG ORDINARYONG PILIPINO? PARA SAAN ANG MAGANDANG NUMERO NG EKONOMIYA KUNG HINDI ITO MARARAMDAMAN NG MAHIHIRAP NATING KABABAYAN?” giit ng House Speaker.
Nangako ang lider ng Kamara na sa mga susunod na linggo,tutuparin ng Kamara ang responsibilidad nito na busisiin ang pinakamaliit na detalye ng panukalang pondo.
Sabi pa ng House Speaker kailangan isulong sa pagbuo ng pambansang pondo ang human at social developemnt, pagprotekta sa purchasing powers ng publiko at pataasin ang kanilang income earning ability.
Dapat rin aniya na bawat piso at may kaakibat na program at proyekto na pakikinabangan ng lahat ng Pilipino.
Diin pa ni Romualdez na na malinaw ang misyon nila sa pag-aaral ng 2025 budget na ibalik sa lahat ngPilipino ang buwis na nakolekta at tiyakin na ang seribisyo ng gobyerno at parasa lahat at walang mahuhuli o maiiwan.
Sa panig naman ni AKo Bicol party-list Rep. Elizaldy Co, chair ng Appropriations Commitee, kaniyang ibnigyang halaga ang budget briefing na ito upang masiguro na epektibo ang alokasyon ng pondo upang matugunnan ang pangangailangan ang hangarin ng mga Pilipino.
Hindi lang din aniya ito simpleng financial document, bagkus ay repleksyon ng mga pangnanais at at commitment para sa hinaharap ng bansa.
“Our duty is to ensure that our nation’s financial resources are allocated effectively and responsibly to meet the needs and aspirations of our people. The proposed national budget is more than just a financial document; it reflects our priorities, commitments, and vision for the future. It outlines government’s plan to stimulate economic growth, enhance social services, improve infrastructure, and ensure sustainable development.” giit ni Co
Ang DBCC ang kasalukuyang nakasalang ngayong araw sa budget briefing ng House Committee on Appropriations at inaasahang matapos ang lahat ng ahensyann ng pamahalaan sa September 9 bago i-akyat sa plenaryo ang 2025 General Appropriations Bill. | ulat ni Kathleen Forbes