Sa gitna ng pagsisimula ng deliberasyon ng panukalang P6.352-T 2025 national budget, binigyang diin ni Speaker Martin Romualdez na ang paglago ng ekonomiya ay dapat maramdaman ng lahat ng Pilipino.
Sasalang ngayong araw ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa budget briefing kung saan haharap sina Budget Secretary Amenah Pangandaman, Finance Secretary Ralph Recto, National Economic and Development Authority Director General Arsenio Balisacan, at Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Eli Remolona Jr.
Ayon kay romualdez nais nilang malaman kung paano mapapanatili ng paglago ng ekonomiya at kung paano ito makakabenepiayo sa taumbayan.
Marami kasi aniya sa mga nasa laylayan ang nagsasabi na hindi nila dama ang magandang ekomomiya at tanging mga mayayaman at malalaking negosyo lang ang nakakaramdam.
“Our economic expansion, projected by multi-lateral financial institutions at between 5.9-6.2 percent next year, should be felt by our people, especially the poor, in terms of more job and income opportunities, more affordable food on their table and lower consumer prices,” giit niya
“They say they cannot eat economic growth. If majority of our people do not feel our economic expansion, they should at least see it in terms of the proper use of the national budget for social services, education, health, infrastructure, and direct financial assistance to the poor and other vulnerable sectors,” dagdag ng house speaker.
Nagpaalala din ang House chief na dapat maging handa ang mga ahensya sa pagharap sa briefing
Sa Martes, haharap naman ang Philippine Gaming and Amusement Corp. at Philippine Charity Sweepstakes Office na pawang pinagkukunan din ng pondo.
Ang Department of Environment and Natural Resources at Department of Human Settlements and Urban Development naman sa Miyerkules
Habang Huwebes ang Department of Energy, Commission on Higher Education at Energy Regulatory Commission
Inaasahan na matatapos ang budget briefings sa September 9. | ulat ni Kathleen Forbes