Ipapatupad na rin ng National Irrigation Administration (NIA) ang Contract Farming Program sa Bagontaas, Valencia City, Bukidnon.
Sa ulat ng NIA, may 36 na Farmer Irrigators Associations na may 700-ektaryang rice production area ang nangakong suportahan ang programa ng ahensya.
Maaari silang maka-avail ng farm inputs at cash assistance para sa labor costs mula sa NIA.
Bawat irrigators association ay makakatanggap ng ₱50,000 sa bawat isang ektarya mula sa Contract Farming Program. Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang contract farming na pangunahing layunin na mabawasan ang average production cost ng bigas. | ulat ni Rey Ferrer