Arestado ang tatlong drug personality sa anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga elemento ng Jolo Municipal Police Station sa pangunguna ng Hepe nito na si PLtCol. Annidul Sali, katuwang ang 4th Regional Mobile Force Company ng Regional Mobile Force Battalion BaSulTa sa barangay Tulay Zone 3 sa bayan ng Jolo, Sulu bandang alas-10:30 kagabi.
Kinilala ang mga ito na sina Rizal Abduhasad Habibuddin alyas Itang, 30 anyos na lalaki, may asawa at trabaho, Alsamir Abduhasad Habibuddin alyas Samir, 22 anyos na lalaki, may asawa, walang trabaho at isang ASG surrenderee sa ilalim ni ASG Commander Basaron Aruk, parehong residente ng Tulay Zone 3 at si Kashmer Hamsali Salip Bamhir alyas Kasmer, 21 anyos na lalaki, walang asawa at trabaho at nakatira sa Martirez Street sa barangay San Raymundo sa naturang bayan.
Nakumpiska sa mga ito ang 13 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 3.000 na gramo na nagkakahalagang mahigit-kumulang P20,400.00, isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu bilang buy-bust money na may timbang na 0.050 na gramo na nagkakahalagang P340.00, dalawang piraso ng gamit na transparent plastic sachet na may lamang tira-tira ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia at iba pang ebidensiya.
Kasalukuyang nakadetine ang naturang mga suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa mga ito. I ulat ni Fatma Adili-Jinno | RP1 Jolo