Pinatuyan ng Pinoy gymnast na si Carlos Yulo ang pagiging isang once-in-a-century Filipino athlete matapos gunawa ng kasasayan sa pagkakasungkit ng dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez hindi lang karangalan, ngunit kagalakan din ang hatid ni Yulo sa bayan.
Matapos makuha ang gold medal sa men’s floor ay nasundan ito ng isa pang ginto sa men’s vault
“Carlos Edriel Yulo has proven himself to be a once-in-a-century Filipino athlete. His remarkable performance at the Paris Olympics, winning double gold in both the floor exercise and vault, is a testament to his hard work, perseverance, and exceptional skill.” sabi ng House Speaker.
Itinaas din aniya ni Yulo ang antas ng Pilipinas sa larangan ng palakasan sa international scene at ipinakita ang potensyal ng mga atletang Pilipino.
“We will continue to support and invest in our sports programs to nurture and develop more world-class athletes like Caloy. His success is a shining example of hope and a source of inspiration for all of us,” dagdag niya.
Una nang inanunsyo ng Kamara na makakatanggap si Yilo ng P3 million rewars na maaari pang madagdagan maliban pa sa congressional medal na igagawad.
Kinilala din ng House Speaker ang pamilya ni Yulo pati na ang Philippine gymnastics community para sa suporta kay Yulo.
“Behind every successful athlete is a team of dedicated coaches, supportive family members, and a community that believes in them. I extend my heartfelt congratulations and gratitude to everyone who has been part of Caloy’s journey to greatness,” aniya. | ulat ni Kathleen Forbes