Inihayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na posibleng maabot pa rin ng Pilipinas ang estado ng pagiging upper-middle income country sa taong 2025.
Ito ay sa kabila ng mga hamong pang-ekonomiya na hinarap ng bansa nitong nakaraang mga buwan.
Sa kanyang ulat sa Kongreso, binigyang diin ni Secretary Balisacan ang kahalagahan ng pagpapatupad ng Philippine Development Plan (PDP), na naglalayong mapabilis ang pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng iba’t ibang programa at reporma.
Kabilang sa mga prayoridad ng pamahalaan ang pagpapahusay ng sektor ng agrikultura, pagpapalakas ng imprastraktura, at pagtitiyak ng maayos na pamamahala sa pananalapi.
Sa kabila ng mga hamon tulad ng inflation at pandaigdigang krisis, nananatiling positibo ang NEDA sa pagkamit ng mga target nito at sa patuloy na pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.| ulat ni Diane Lear