Magsasagawa na ng weekly inspection at briefing ang inter-agency task force para ipaalam sa publiko ang mga aktwal na lugar na apektado ng oil spill sa Bataan.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., layon nito na malabanan ang fake news tungkol sa oil spill.
Aniya, gagawin nila ito upang hindi mag-panic ang publiko at ipakita ang kahandaan ng gobyerno sa lahat ng aspeto.
Samantala, naghayag din ng suporta si Abalos sa imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) sa “pa-ihi” system scheme ng mga smuggler.
Ang “pa-ihi” system ay isang pamamaraan na ginagamit ng mga smuggler upang maiwasan ang pagbabayad ng buwis.
Inililipat ng mga ito ang mga produktong langis sa mas maliliit na shipping vessels bago magsagawa ng aktwal na delivery.| ulat ni Rey Ferrer