Sinabi ng economic managers na walang masyadong epekto ang pag-alis ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa bansa.
Ito ang sagot ni Finance Secretary Ralph Recto sa naging katanungan ni Bulacan Rep. Salvador Pleyto sa ginagawa ngayong 2025 budget deliberation.
Ayon kay Recto bagaman bumaba ang presyo ng real estate at office spaces, mas makabubuti aniya sa bansa na tuluyan nang mawala ang POGO.
Ayon naman kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, ang POGO ay kumakatawan lamang sa less than 1% ng GDP ng 2023, ang real estate naman ay nasa 11% ng space occupancy.
Kasalukuyan anyang gumagawa ang pamalahalaan ng “growth valuable alternatives” ng Business Process Outsourcing para pumalit sa office spaces na inookupa ng mga POGO.
Dagdag niya base sa tala ng PAGCOR nasa 25,000 naman ang apektadong manggagawa kung saan kasalukuyan na tinutulungan ng Department of Finance (DOF) at Department of Labor and Employment (DOLE) para makapasok ng bagong hanapbuhay. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes