Tiniyak ni Finance Secretary Ralph Recto na on track ang fiscal program ng bansa upang siguruhing mapondohan ang pambansang budget.
Ito ang inihayag ni Department of Finance (DOF) Sec. Ralph Recto sa harap ng plenaryo ng Kamara sa pagbubukas ng deliberasyon ng 2025 national budget.
Ayon kay Recto. sa ilalim ng refined medium-term fiscal program, mababawasan ng utang at deficit, mas maraming trabaho at mababawasan ang kahirapan sa bansa.
Aniya, simula nang maupo siya bilang kahilihm ng DOF, tiniyak niyang kayang kamtin at madaling ibagay ang mga hangarin ng bansa upang masangga ang mga external shocks na siyang kinahaharap ng Pilipinas matapos ang global pandemic.
Ipinagmalaki ng kalihim na doble kayod ngayon ang mga revenue agencies upang makamit ang kanilang target collection upang mapodohan ang kinakailangan budget ng bansa.
Para sa unang bahagi ng taong 2024, lumago ang revenue collection ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) ng halos 15% o katumbas ng P2.15 trillion na malaking tulong sa kinakailangang P5.77 trillion na budget para sa ngayong taon.
Tinaasan din ng DOF ang dibidendo na na ire-remit ng mga government owned and controlled corporation mula 50% to 75% bilang malaking bahagi ng non-tax revenues.
Ibinalita rin ng kalihim sa harap ng mga mambabatas na pangalawa ang Pilipinas sa rehiyong Asya sa revenue collection efforts. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes